Kilalanin si KAPPREN!

Ipinakikilala ng Aklatan ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya ang aming opisyal na mascot — Si Kappren, Ang Friend Mo sa Aklatan!

Hango sa mga kwento tungkol sa Kapre, si Kappren ay isang karahurahuyong nilalang na magiging kabalikat ng komunidad sa pagdiskubre sa koleksyon at mga serbisyo ng Aklatan.

Ayon sa mga kwentong-bayan na tinalakay ni Maximo D. Ramos (1990), ang Kapre ay kayang magpalit-anyo, maging ilang mga hayop, kabilang dito ang kalabaw. Sinasalamin nito ang kakayanan ng Aklatan na makisabay sa pagpapalit-anyo ng mga kaalaman at komunidad nito.

At, kung panain o barilin naman ang Kapre ay nagiging kawayan o puno ng saging. Gayundin, dahil mahalagang imbakan ng kaalaman ang Aklatan, kapag pininsala ito ay para na ring hinadlangan ang pagpapalaganap ng kultura ng pananaliksik.

Alamin at subaybayan ang iba pang kaganapan ng Aklatan ng KAPP sa aming Facebook page: <https://www.facebook.com/updilimancssplibrary>.

Kita-kita tayo sa Aklatan!