
Malugod na ipinababatid sa lahat ang paghirang kay Prop. Neil Martial R. Santillan bilang ika-11 Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP), epektibo Oktubre 26, 2026.
Lubos din ang pasasalamat ng buong kumunidad sa matapat at masigasig na paglilingkod ni Dekano Ruth R. Lusterio-Rico, PhD sa pagtatapos ng kanyang termino.
Magkabalikat nating salubungin ng buong suporta ang bagong Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya!
Isang mainit na pagbati at mapagpalang panunungkulan Dekano Neil!
