Lubos naming kinokondena ang patuloy na pagdanak ng dugo sa ngalan ng giyera kontra sa droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lubhang nakagagalit ang walang tigil na pamamaslang sa mga di-umano'y "nanlaban" sa mga isinasagawang operasyon ng kapulisan kontra droga. Mahirap mapagtanto na bagama't walang parusang kamatayan sa ating bansa ay tila pinatawan na ng kamatayan ang mga pinaghihinalaan pa lamang o maging iyong mga inosenteng napagkakamalan lamang na gumagamit o nagtutulak ng bawal na gamot.

Lubhang nakababagabag ang patuloy na pagsasawalang-bahala ng pamahalaang ito sa halaga ng buhay ng tao at sa karapatan ng mga iniuugnay sa droga na ipagtanggol ang kanilang mga sarili nang naaayon sa prosesong isinasaad sa batas. Lubos ding nakababahala na naging inspirasyon pa ang mga pahayag ni Pangulong Duterte upang maging tila berdugo ang ating kapulisan sa patuloy at walang habas nilang pagpatay sa mga di-umano'y adik o tulak ng droga na karamiha'y mahihirap at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

Nakikiisa kami sa panawagan ng iba't ibang sektor na agarang itigil ang walang pakundangang pagpaslang sa ating mga kababayan sa ngalan ng giyera kontra droga. Gayundin, mariin kaming nananawagan ng hustiya sa mga naging biktima ng mga pagpatay na ito at ang pagsuring muli sa ugat ng suliranin ng droga sa ating bansa. Malinaw na hindi maihihiwalay ang problema sa droga sa iba pang pangunahing suliranin na ating kinakaharap, lalo na ang krisis sa kahirapan at ang kakulangan sa sapat na edukasyon. Ang suliranin sa droga ay nangangailangan ng isang malawakan at komprehensibong tugon na nakabatay sa siyentipikong pananaliksik, may pagpapahalaga sa karapatang pantao, umaayon sa due process at kinikilala ang karapatan ng lahat na mamuhay nang malaya sa karahasan.

Walang puwang sa isang sibilisadong lipunan ang paghahasik ng lagim at pagpapairal ng takot upang mapasunod ang mamamayan. Wala itong patutunguhan kundi ang lalong paglaganap ng karahasan, ang paghari ng poot at galit sa puso ng ating mga kababayan, at ang patuloy na kawalan ng pananagutan ng mga taong responsable sa mga pamamaslang.

 

Signatories as of 30 August 2017

Ma. Bernadette Abrera
Grace Aguiling-Dalisay
Cathlyne Joy Alvarez
Clemen Aquino
Aries Arugay
Maria Ela Atienza
Romulo Banares Jr.
Aimee Dresa Bautista
Dennis Blanco
Samuel Cabbuag
Josefina Andrea Cantiller
Nestor Castro
Jose Antonio Clemente
Ma. Cecilia Gastardo-Conaco
Miriam Coronel Ferrer
Grace Cruz
Soledad Dalisay
Francis Dee
Mylene de Guzman
Symel Noelin De Guzman
Gregorio del Pilar
Herbert Docena
Jean Encinas-Franco
Jairus Espiritu
John Andrew Evangelista
Perlita Frago-Marasigan
Earl Stanley Fronda
Jan Robert Go
Mark Kevin Gomez
Filomin Gutierrez
Grace Jamon
Ma. Carmen Jimenez
Maria Midea Kabamalan
Herman Kraft
Aaron Abel Mallari
Farah Cunanan
Jesus Federico Hernandez
Jay-Ar Igno
Jem Javier
 
Aldrin Lee
Alexander Atrio Lopez
Raisa Lumampao
Ruth Lusterio-Rico
Renato Manaloto
Maria Mangahas
Leander Marquez
Ma. Teresa Melgar
Amado Mendoza
Marie Rose Morales
Hannah Glimpse Nario-Lopez
Josefina Natividad
Jaime Naval
Ma. Liza Ruth Ocampo
Darlene Occena-Gutierrez
Danielle Ochoa
Michelle Ong
Dennis Quilala
Diwa Malaya Quiñones
Erwin Rafael
Francisco Rosario Jr.
Divine Love Salvador
Monica Fides Amada Santos
Manuel Victor Sapitula
Ciriaco Sayson, Jr.
Christie Sio
Marielle Kristina Sundiang
Lynna Marie Sycip
Michael Tan
Ma. Efenita Taqueban
Anna Cristina Tuazon
Angela Yu
Jean Paul Zialcita
Marielle Antoinette Zosa
Josephine Dionisio
Ria Rafael
Vincent Christopher Santiago
Nimfa Ogena
Xylene Angelique Azurin
Maria Paz Marquez
Reginaldo Cruz
Rolando Esteban
Felipe Jocano, Jr.
Madilene Landicho
Edwin Winston Valientes
Johnson Damian
Mylene de Guzman
Maria Celeste Hermida
Joseph Palis
Engelbert Prim
Andre Quiray
Kristian Karlo Saguin
Eula Fae Sola
Marion Micah Tinio
Raymund Arthur Abejo
Kerby Alvarez
Jopol Alvin Ancheta
Ma. Luisa Bolinao
Ma. Serena Diokno
Francisco Jayme Paolo Guiang
Ariel Lopez
Francis Justine Malban
Ruel Pagunsan
Ma. Mercedes Planta
Karl Friedrik Poblador
Dondy Pepito Ramos
Noel Pio Teodoro
Aaron Viernes
Rhodalyn Wani-Obias
Jerwin Agpaoa
Zosimo Lee
Arlyn Macapinlac
Isidro Manuel Valero
Jeanette Yasol-Naval
Teresa Encarnacion Tadem
Louella Orillaza
Marie Joy Arguillas
Athena Charanne Presto
Gianne Sheena Sabio
Ma. Simeona Martinez
Michael Manahan